|
(Tats Faustino)
Artist: Regine Velasquez
Ang pangarap ko’y nagmula sa ‘yo
Sa ‘yong ganda ang puso’y ‘di makalimot
Tuwing kapiling ka, tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa ‘yong mga mata
Ang saya nitong pag-ibig
Sana ay di na mag-iiba
Ang pangarap ko ang ‘yong binubuhay
Ngayong nagmamahal ka sa ‘kin ng tunay
At ang tinig mo’y parang musika
Nagpapaligaya sa munting nagwawala
Ang sarap nitong pag-ibig
Lalo pa noong sinabi mong
Dadalhin kita sa ‘king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahay ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Nang mawalay ka sa aking pagsinta
Bawat saglit gabing lamig ang himig ko
Hanap ang yakap mo haplos ng ‘yong puso
Parang walang ligtas kundi ang lumuha
Ang hapdi din nitong pag-ibig
Umaasa pa sa sinabi mong
Dadalhin kita sa ‘king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Umiiyak, umiiyak ang puso ko
Ala-ala pa ang sinabi mo
Noong nadarama pa ang pag-ibig mo
Dadalhin kita sa ‘king palasyo
Dadalhin hanging langit ay manibago
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
|