Google
Web pinoyvision
  Pupil


 


(d. ventura)


Kaninang umaga
Nagising akong
May bakas ng ngiti sa mukha
Kasama kita
Sa aking panaginip
Sasabihin ko dapat sa ‘yo, pero 

Wala ka na
Wala ka na pala
Wala ka na 

Nanlilisik
Namimilipit sa galit
Umiikot ang aking paningin
Sa mga tanong na
‘Di na mahawakan
Ang maganda mong mukha, pagka’t 

Wala ka na
Wala ka na pala
Wala ka na 

Nasaan ka?
Nasaan ka?
Nawala lang parang bula 

Mahahanap din kita
Kung may langit nga ba 

Mahahanap din kita