|
(Music by Ben
Escasa, Lyrics by Mark Sta. Maria)
Performed by Pops Fernandez and Mulatto
Produced by Christian Martinez
Arranged by Yoyong Nalasa
Saxophone by Jerry Nalasa
Recorded & Mixed by Dominic Benedicto at Mixsonic Recording Studio
Pops:
Madalas kitang makitang may kasama
Magkahawak ang mga kamay
Bumibigat ang puso ko
Laging nangangarap na akong kapiling mo
Mulatto:
Dapat nga kayang sa’yo ako’y humanga
Kahit na ako’y mayron nang iba
Pigilan man ang puso ko
Tuwid man ang tingin
Lumilingon ang isip ko
Pops/Mulatto:
Ang puso ko ay nanliligaw,
Ang puso ko ay naliligaw
Pops:
Bakit kay tagal nang hinihintay
At ngayon ka lang nakita
Mulatto:
At di na ako manliligaw
Pops/Mulatto:
At di na ako manliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
Pops:
Kung sakali mang magulo itong damdamin
Naghahabol sa iyong nagdaan
Nauna nang pagsuyo niya
Lihis sa ‘yong landas pagka’t tayo ang tadhana
Mulatto:
Pag nilalaro mo ang aking isipan
Halik at yakap mo ang nararamdaman
Akala ko’y nabihag niya
Ang puso kong ito’y sa iyong
malayang nagpasya
Repeat Chorus
Mulatto:
Di ko kayang masaktan ang damdamin
Siya’y nagmamahal ng tunay sa akin
Pops:
Paano na ang aking puso (Mulatto: Paano na..)
Ikaw lamang ang tanging buhay
(Mulatto: Ikaw lamang ang tanging buhay ko)
Repeat Chorus
Pops/Mulatto:
Ang puso ko ay nanliligaw,
Ang puso ko ay naliligaw
Pops:
Bakit kay tagal nang hinihintay
Ang ngayon ka lang nakita
Mulatto:
At di na ako manliligaw
Pops/Mulatto:
At di na ako maliligaw
Sana’y ngang maging ikaw at ako
At wala nang hahanapin… (Mulatto: wala nang hahanapin…)…pa
|