Google
Web pinoyvision
  Jolina Magdangal


(Vehnee Saturno)


Ikaw sa puso at isipan ko
Ikaw ang tawag ng pag-ibig ko
Ikaw ang siyang lahat sa buhay ko
Kahit kailanman ay
Ikaw lang ang ibigin ko

Bakit kailangan pang magkalayo
Ngayo’y nalulungkot yaring puso
Ikaw maging sa alaala ko
Nasaan ka na, sana’y
Marinig ang damdamin ko

Refrain:
Sana’y ikaw ay narito
Kapiling at kayakap ko
Alam mo ba ang pag-ibig ko
Ay para lamang sa’yo
Ang buhay ay hindi sapat
Kapag wala ka na sinta
Sana sa bawat sandali
Kapiling ka, sana’y kapiling ka

Repeat 2nd stanza

Repeat Refrain 2X

Sana’y kapiling ka