|
(Larry Hermoso)
Ibibigay ang lahat-lahat
Handa kong gawin
Lahat ng ‘yong hiling
Sukli man ay sugat sa puso
Karamay ka
Sa hirap at saya
Masaktan mo man
Damdamin ko
Nandiyan ka pa rin
Sa ’king tabi
Refrain:
Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito’y magagawa
Di magbabago, ‘di maghahangad
Ng anumang kapalit
Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako
Hindi ko ito ikakihiya
Handa akong magtiis
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal
Sa’yo lamang
Iikot aking mundo
Sa ’ki’y bale wala
Sasabihin ng iba
Basta’t alam ko
Mahal kita
Refrain:
Kapag ako ay nagmahal
Ang lahat ng ito’y magagawa
Di magbabago, ‘di maghahangad
Ng anumang kapalit
Kapag ako ay nagmahal
Umiyak man ako
Hindi ko ito ikakahiya
Handa akong magtiis
‘Di ka man maging akin
Lahat ng ito’y gagawin
Kapag ako, kapag ako ay nagmahal |