|
|
 |
|
(Willy Cruz)
Performed by Jolina Magdangal
Published by Harmony Music
Masaya kang kasama
Iba talaga
Lagi mo akong napapatawa
Ngunit kahit ka ganyan
Kilos mo’t salita’y magalang
Sa magulang ko’t mga kaibigan
Kay bilis nagkalapit
Higit pa sa magkapatid
Naging isa ang ating daigdig
Nagkatugmang damdamin
Naglalaro sa ating dibdib
Ngunit kapag nagsimula nang pumatak ang ulan
Baka naman ako’y iyong iwana iwanan
Kapag sa gabi’y walang makitang bituin
Magaya ka kaya’t maglaho rin
Hindi sa nagdududa nagtatanong lang
Pangako mo ba’y maasahan
Kung ako ang tatanungin
Ano man ang mangyari
Ako’y iyong-iyo pa rin
Marami nang nagsasabi
Bago pa’ng lahat
Ikaw ay kilalanin kong mabuti
Baka raw sa bandang huli saka pa lang kita mahuli
Puro bola lang ang sinasabi
Ngunit kahit sundin ang mga payo sa akin
Tiyak ako’y iyong iyo pa rin
Yan ang sasabihin lagi ng pusong di pa nasasawi |
|