|
(Freddie Saturno)
Artist: Jaya
Dahil ba sa kanya
Kung kaya’t nalimutan mo na
Init ba ng yakap at tamis ng halik niya
Nagturo sa iyong damdamin
Upang ako’y iyong lisanin
Di naman nagkulang
Ang pag-ibig na alay ko
Di ba’t halos ang buhay ko
Ay binigay sa ‘yo
Bakit ngayon ay di na sa akin
Ang puso mo na dati
Ay aking lamang
Dahil nga ba sa kanya
Nakalimutan mo aking sinta
Ang sabi mo noon hanggang wakas
Tayong dal’wa ay magsasama
Dahil nga ba sa kanya
Naririto ako ngayo’t nag-iisa
Pag-ibig mo sa akin ba’y naglaho na
Dahil ba sa kanya
Dahil ba sa kanya
|