|
Tingin sa iyo’y isang putik
Larawan mo’y nilalait
Magdalena
ikaw ay ‘di maintindihan
Ika’y isang kapus-palad
Bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral pagka’t walang pera
Kaya ika’y namasukan
Doon sa Mabini napadpad
Mula nooy binansagan
Kalapating mababa ang lipad
Hindi mo ito nais
Ika'y walang magagawa
Pagka’t kailangan mong mabuhay sa mundo
Tinitiis mo ang lahat
Kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mong maahon sa hirap
Kaya ika’y namasukan
Doon sa Mabini napadpad
Mula nooy binansagan
Kalapating mababa ang lipad
Magdalena, ikaw ay sawingpalad
Kailan ka nila maiintidihan
Magdalena…Magdalena
Ibig mo ng magbago at mamuhay
Na ng tahimik
Ngunit ang mundo’y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay
Hanggang kailan magtitis
Ang dalangin mo kailan maririnig
Magdalena, ikaw ay sawingpalad
Kailan ka nila maiintidihan
Magdalena…Magdalena
Magdalena,ikaw ay sawingpalad
Kailan ka nila maiintidihan
Magdalena…Magdalena
Magalena….Magdalena |