|
Nais
kong ako’y ibigin
Nang buong katapatan
Ikaw ang aking kailangan
Ngayon at kailanpaman
Kung ako ay iiwanan
Puso ko magdaramdam
Giliw ko ako’y ibigin
Ng tapat kailanpaman
Ang ating pagmamahalan
Sana ay wag magbago
Umula man o umaraw
Kahit na bumabagyo
Kalungkutan o ligaya
Sa hirap man o ginhawa
Habang ang mundo’y may kulay
Sana ay magkasama
Oh, pag tayo ay hindi na humihinga
Doon
matatapos yaring pag-ibig
Kung tunay na may buhay sa kabilang daigdig
Doon
ay muling magkikita
Giliw ko ako’y ibigin
Nang buong katapatan
Ikaw ang aking kailangan
Ngayon at kailanpaman
Oh, pag tayo ay ‘di na humihinga
Doon
matatapos yaring pag-ibig
Kung tunay na may buhay sa kabilang daigdig
Doon
ay muling magkikita
Giliw ko ako’y ibigin
Nang buong katapatan
Ikaw ang aking kailangan
Ngayon at kailanpaman |