|
(Toto Sorioso)
Arranger: Joey Benin
Performed by Dingdong Avanzado
Guitars: Noel Mendez
Bass: Joey Benin
Drums: Nińo Regalado
Backing Vocals: Rex Cantos
Sana ang bukas ay parang kahapon
Alaalang nataboy lang ng alon
Di namalayan
Oras na lumipas, panahong nawaldas
Di namalayan
Ako ay tumanda, damdamin humupa
Kaya’t ako’y bumalik sa nakaraan
Sa dating tagpuan ng pag-iibigan
Ako’y naghahanap ng dahilan
Ikaw ay balikan, panaginip ko ay hagkan
Dati’y kay linaw ng ating pangarap
Kung nakatago, laging hinahanap
Di namalayan
Oras sa habulan, oras sa taguan
Di namalayan
Na nakaligtaan ang ating sumpaan
Kaya’t ako’y bumalik sa nakaraan
Sa dating tagpuan ng pag-iibigan
Ako’y naghahanap ng dahilan
Ikaw ay balikan, panaginip ko ay hagkan…hagkan…
Ikaw ay balikan, panaginip ko ay hagkan…
Di namalayan
Oras na lumipas, panahong nawaldas
Di namalayan
Ako ay tumanda, damdamin humupa
At nakaligtaan ang ating sumpaan
Kaya’t ako’y bumalik sa nakaraan
Sa dating tagpuan ng pag-iibigan
Ako’y naghahanap ng dahilan
Ikaw ay balikan, panaginip ko ay hagkan…
Ako’y bumalik sa nakaraan
Sa dating tagpuan ng pag-iibigan
Ako’y naghahanap ng dahilan
Ikaw ay balikan, panaginip ko ay hagkan…
Ikaw ay balikan, panaginip ko ay hagkan…
|