|
(James Guiwan)
I
Ikaw pala’y salawahan
Bakit ako pinaasa
Inibig pa kita ng lubusan
At ako ay iyong iniwan
II
Nilimot mo na ang sumpaan
Maging ang tamis ng suyuan
Dinulot mo ay kasawian
Sa aking pusong nagmamahal
REFRAIN:
Darating din araw
Na iyong madarama
Ang pag-ibig kong ito sinta
Tapat sa’yo kailan pa man |