Google
Web pinoyvision
  Ariel Rivera


(Vehnee Saturno)
Published by BMG Pacific Music Publishing Ltd.


Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyas mong tinig
Na sa aki’y aliw at tila ba ito’y hulog pa ng langit

‘Pag nakita ko na’y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa’y hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa pag-gising ko ay ‘di pala tunay at manghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal at ‘yan ang totoo
Huwag mong iisipin na nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa iyo

‘Pag nakita ko na’y ayaw mo nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa’y hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa pag-gising ko ay ‘di pala tunay at manghihinayang

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal at ‘yan ay totoo
Huwag mong iisipin na nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa iyo

Hanap ng puso ay lagging ikaw
Tanging nais ko’y ang iyong pagmamahal
Sana’t sabihin mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag nang damdamin ko

Sana ay mapansin ako
Malaman mong kita’y mahal at ‘yan ang totoo
Huwag mong iisipin na nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sa iyo’y tunay
Sa iyo’y tunay

Sana kahit minsan, minsan
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan

Sana kahit minsan